Mahal Ka Pa Ba Ni Lord?
Kung alam mong mahal ka ni Lord, bakit minsan parang hindi mo ito maramdaman? Ngayong araw, masasabi mo ba nang buong puso, “Mahal ako ni Lord”?
Huwag kang matakot aminin kung minsan, mahirap talaga itong paniwalaan. May mga araw na paggising pa lang natin, mabigat na agad ang puso. At minsan, hindi lang tayo malungkot—we even feel like we’re not worthy of being loved.
Kung ganito ang nararamdaman mo ngayon, hindi ka nag-iisa. Kahit ako, may mga araw na pagkagising ko pa lang, parang ang dami nang gumugulo sa isip ko.
Kaya these days, as much as possible, I take a walk first thing in the morning. Habang naglalakad, kinakausap ko si Lord—sinasabi ko sa Kanya kung ano ’yung mga nasa isip ko, kung ano ’yung mga worries ko. And in those quiet moments, I also get to listen and let Him speak to me.
Of course, that doesn’t mean everyone needs to do what I do. Natutunan ko rin na iba-iba tayo ng paraan at ng oras kung kailan tayo mas nakakarinig sa sinasabi ng Panginoon.
Ang mahalaga ay magkaroon tayo ng oras para tumigil, manahimik, at makinig sa Kanya—lalo na sa mga panahong magulo ang lahat.
Kung minsan nagtatanong ka, “Lord, mahal Mo pa ba ako?” We’re here to remind you of this truth: God loves you, and nothing will ever change that.
And for you, when can you set aside time to talk to the Lord? In the morning? During your lunch break? Or before bed? Whatever works for you, set aside even just 5–10 minutes each day to spend time with Him.
Pwede mong gamitin ang oras na ito sa pagbabasa ng Bible o anumang babasahin na magpapaalala sa’yo ng pagmamahal Niya. Kasi mas malakas ang pagmamahal Niya kaysa sa kahit ano—mas malakas sa mga kaaway, sa mga problema, at kahit sa kamatayan. Basahin ang Romans 8:38–39.
Tandaan mo, isa kang miracle!