Mag-ipon tayo—sa langit!💰💰💰

Shortly after I graduated from college, nasunog ang bahay namin. Mabilis akong tinanong ni Papa kung alam ko kung nasaan yung "treasure" niya. May pera siya sa isang cabinet, sa ilalim ng mga damit. Sabi niya, "Mark, bilis, punta ka sa bahay, kunin mo yung treasure ko." Kaya dali-dali akong pumasok at hinanap ko yung pera, pero hindi ko ito makita. Ang buong paligid ko, puno na ng usok at apoy. Kahit anong hanap ko, wala talaga.That’s why I decided to give up. Tapos umakyat ako sa bintana, at nagtuloy-tuloy na ang pagkasunog ng aming bahay.
Parang magandang halimbawa ito ng ipinapakita ni Jesus sa verse na ito:
Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. (Mateo 6:20 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? When we store up treasures here on earth, minsan hindi natin ito kayang pagkatiwalaan. Kaya sabi ni Jesus, kung gusto nating maging masaya tayo, we should store up treasure in heaven.
The only safe place is in heaven. Kapag nag-iipon tayo ng yaman dito sa daigdig, ang puso natin ay apektado ng takot, kasi alam nating maaari itong mawala anumang oras—parang bigla na lang, wala na lahat. Yes, it’s true, life is uncertain. Kaya sabi ni Jesus, "Huwag ganun, mag-ipon kayo ng yaman sa langit." Kung hindi, matutukso lang tayo sa takot o sa kasakiman—pwedeng gastusin lahat para sa sarili o hindi maramdaman na sapat na tayo.
There’s a story about the richest man in the world. One day, he was asked, "Sa lahat ng yaman mo, ano ang tunay na makapagpapasaya sa iyo?" Sabi niya, “Konting dagdag na lang, at magiging masaya na ako.”
Friend, ask yourself: saan ba nakalagay ang treasure ko ngayon?
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

