• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 28, 2025

Friend, magaling ka bang kumanta? 🎤

Publication date Hun 28, 2025

Ang Filipino daw—magaling kumanta! Do you agree? Karaniwan sa mga salu-salo natin ang kantahan, mapa-gitara man o videoke. O, kahit na hindi mo masabing magaling kumanta ang lahat ng Pinoy, makikita mo pa ring mahilig o sanay talaga silang kumanta, kahit na hindi sila expert, tama?

Good news pala ito sa atin: ayon sa Bible, isa palang paraan ng pagdarasal ay ang pagkanta. Let’s read this verse:

Kayong mga tao sa buong mundo,umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan.Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin. (Salmo 96:1-2 ASND)

Kahit sa panahon pa lang ng Old Testament, ang mga tauhan ng Panginoon ay kumakanta na sa Kanya. In fact, King David built a Tabernacle and appointed singers and musicians na araw-araw ay kumakanta sa Panginoon.

At tingnan natin itong sinabi din ni Paul sa mga taga-Efeso:

Huwag kayong maglalasing, sapagkat mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. (Efeso 5:18-19 MBB05)

Have you tried this, ang kumanta bilang panalangin? Pwede mong simulan ito sa pamamagitan ng pagkanta kasabay ng mga YouTube videos ng Christian worship songs, like those we share with you. Maghanap ng oras o lugar na walang makakaistorbo sa iyo, at kantahin mo ang mga ito bilang isang panalangin.

You can also try singing Bible verses or your prayers in your own spontaneous melodies; sigurado kaming gusto itong marinig ng Panginoon!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.