• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Friend, may mga gusto ka ba sa buhay na sa tingin mo ayaw ibigay ng Panginoon? Sa tingin mo ba, madamot Siya sa iyo? 

Today, pag-usapan natin ang buhay na hindi nakasalalay sa dami ng ari-arian. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng advertisement? Gumagastos ang mga kumpanya ng bilyon-bilyong dolyar dahil gusto nilang kunin ang pera mo. Kaya, importante palang malaman nating hindi doon matatagpuan ang tunay na magandang buhay.

In Mark 4, Jesus shared a parable about seeds that fell on different soil. May mga taong parang binhing nahulog sa mga tinik. Kahit gaano ka pa katatag bilang isang follower of Jesus, tinutukoy ni Jesus dito ang lahat—no exemption. Ang mga alalahanin sa buhay, ang “daya ng kayamanan” (Marcos 4:19 ABTAG), at ang mga pagnanasa para sa ibang bagay ay dumarating at kinakain ang salita ng Diyos, kaya’t nagiging walang bunga. 

Friend, hindi sinabi ni Jesus na masama ang maging mayaman. Pero may tinukoy Siyang “daya” ng kayamanan. Bakit? Kasi ang kayamanan ay nangangako ng mga bagay na hindi nito kayang ibigay—kaligayahan, kasiyahan, identidad, at ang pakiramdam ng kaligtasan at seguridad. Hindi ito kayang ibigay ng kayamanan. At oras na para magising tayo—hindi ako magiging masaya sa pamamagitan ng kayamanan, hindi ako magiging kontento, hindi nito matutukoy ang aking identidad at hindi ako magkakaroon ng tunay na kaligtasan at seguridad mula dito.

Gusto ni Jesus na magkaroon ka ng magandang buhay. Hindi Siya madamot na Diyos. Hindi Siya isang Amang kuripot. Ang pinakaunang naging mapagbigay ay ang Panginoon. 

Read this aloud, Friend: 

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya. (Mateo 7:11 ASND

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!