Mabilis ka bang makinig sa iba? 🔈

Sa panahon ngayon, napakadaling manood ng kung sinu-sinong influencer on social media. We have our preferences about which influencers we like listening to, and those we don’t like, we can simply choose not to follow. Alam mo bang may maganda at may mahirap din sa ganitong ugali? Ang maganda ay nagpapakita ito how interested we may be to learn from other people. Ang mahirap ay maaaring pinipili lang din nating makinig sa gusto nating marinig!Â
Pero alam mo bang mahalaga pala ang maging marunong makinig sa iba? Tingnan natin itong nakasulat sa Bible:Â
Mabibigo ka kapag hindi ka humihingi ng payo tungkol sa iyong mga pinaplano, ngunit kapag marami kang tagapayo magtatagumpay ang mga plano mo. (Kawikaan 15:22 ASND)Â
In the New Testament, there’s this verse:Â
…patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo. (1 Tesalonica 5:11 ASND)Â
Dito natin makikitang mahalaga pala sa Panginoon ang relationships natin sa isa’t-isa. At isa din pala ito sa mga paraan Niya upang makausap tayo: sa pamamagitan ng ibang tao.Â
Paano ito nangyayari? Hindi lahat ng sinasabi ng iba ay kailangan nating pakinggan, pero maaaring marinig natin si Lord through the advice of trusted mentors and loved ones, or from our matured friends. Ang mahalaga, we have to know which persons in our lives are walking with God and His ways, dahil sila ang maaaring maging voices of wisdom in our lives, too. Kaya kapag meron tayong mga ganitong tao sa buhay natin, kailangang matuto tayong makinig sa payo at tingnan if these are in line with God’s word. This is how He speaks to us through people.Â
Friend, isipin mo ngayon ang mga tao sa buhay mo. Sinu-sino ang makikita mong may magandang relasyon sa Panginoon na maaari mong mapakinggan ang payo?Â
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

