Maaari kang bumalik 👣 sa Kanya, Friend!

Friend, have you ever experienced difficult consequences because of wrong decisions in life? Hindi naman lahat ng desisyon natin ay may napakatinding resulta, pero hindi ba’t minsan ay may mga ganoon?Â
Ngayong araw, tingnan natin ang naging resulta ng maling desisyon ng bunsong anak sa kwentong pinag-uusapan natin ngayong linggo, “Ang Kwento ng Naglayas na Anak”. Kahapon, nabasa natin sa Bible na kinuha niya ang kanyang mana bago pa man mamatay ang kanyang ama, at winaldas ito sa maling pamumuhay.Â
Ngayon, basahin natin ang nangyari sa kasunod na mga verses:Â
Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya. Kaya namasukan siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang tagaroon at ipinadala siyang magpakain ng mga baboy sa kanyang bukid. Sa tindi ng kanyang gutom, halos gusto na niyang kainin kahit ang pagkain ng mga baboy, dahil walang nagbibigay sa kanya ng makakain. (Lucas 15:14-16 ASND)Â
Here, we can see that the younger son’s decisions really did have serious consequences: nakaranas siya ng matinding gutom at kakulangan, at kinailangan niyang magtrabaho bilang tagapag-alaga ng baboy—at hindi lang iyon, kahit sa trabahong iyon, wala pa rin siyang makain.Â
Minsan ba, may pakiramdam ka ring ganito—-parang lagi ka na lang gutom, hindi sa pisikal, kundi sa espiritwal na gutom? Parang napakahirap ng lahat, and perhaps you’ve wondered if these are the consequences of the wrong decisions you’ve made.
Don’t lose hope. Just as the son in our story eventually returned to his father, pwede ka ring bumalik sa Kanya. Ito ang pag-asang hawakan mo ngayon, Friend!
Tandaan mo, isa kang miracle!Â

