Loving others:yay or nay? Find out now!🤔

Madali lang ba para sa’yo ang magmahal ng kapwa-tao, as in legit straight from the heart? Kasi, real talk, sometimes it’s easier to say we love God than to love people who have weaknesses. Lalo pang nagiging mahirap kapag ang mga kahinaang ito ay nakakadulot ng sakit sa atin, hindi ba?
In our series this week, “The Power of Love,” we saw the results of experiencing God’s love for us: natutulungan tayong mahalin si Lord. At hindi lang ‘yun — tinutulungan din tayo nitong mahalin ang kapwa-tao.
Let’s read this passage together:
Kaya bilang isang bilanggo dahil sa paglilingkod sa Panginoon, hinihiling kong mamuhay kayo nang karapat-dapat bilang mga tinawag ng Diyos. Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo. Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa ninyo mula sa Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan. (Mga Taga-Efeso 4:1-3 ASD)
Nakikita mo ba? Bilang tagasunod ni Jesus, para tayong “bilanggo.” Not in a bad way, but in a way where we are bound by love to do what He wants us to do. Here, we are encouraged to be meek and humble, and to be understanding of others. Pero paano natin magagawa ito? Let’s read aloud this passage:
At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya. (2 Mga Taga-Corinto 3:18 ASD)
Ito pala ang kailangan natin: na unti-unti tayong baguhin ni Lord hanggang sa maging katulad tayo Niya. Ibig sabihin nito, magagawa lang natin ang pagiging mahinahon at mapagkumbaba once we have also experienced the gentleness and humility of Jesus.
Tandaan mo, isa kang miracle!

