Love That Chases
Ibang- iba talaga ang epekto kapag alam mong may nagmamahal sa iyo? Kahit anong problema, parang kayang-kayang harapin, basta’t kasama mo lang ang taong mahal mo. Kahit inaaway ka ng buong mundo, kahit may isang kaibigan ka lang na nakakaintindi sa iyo, grabe, this makes a huge difference. Contrast this to times when you feel that you have absolutely no one on your side. Hindi ba't mas nakakaubos ng pag-asa 'yon, ang pakiramdam na walang nagmamahal o nakakaintindi sa iyo?
As we wrap up our series this week, “The Lord is our Shepherd,” let’s read this last verse in Psalm 23:
Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako'y maninirahan sa bahay ng Panginoon magpakailanman. (Salmo 23:6 Ang Biblia/ABTAG01)
Nakaranas ka na bang may taong gustong-gusto ka, na laging sumusunod sa iyo? (Hindi yung stalker ha, huwag naman ’yan!) Na ginagawa ang lahat para mapaligaya ka? Na niyayaya kang lumabas at sinasamahan ka saan ka man magpunta? Hindi ba isa itong paglalarawan ng pag-ibig na humahabol sa iyo?
O baka naman nagawa mo na iyan sa taong gusto mo!
Hindi ba’t nakakagaan ng puso ang isipin na ang kabutihan at pagmamahal ng Panginoon ay “susunod” din sa atin? His love is actively pursuing us, which is true and very good news! In some English translations, it’s even described as “running after” us.
At sinabi pang susunod ito sa atin habambuhay. At higit pa riyan, narito rin ang pangakong maninirahan tayo sa bahay ng Panginoon magpakailanman. Isn’t that an amazing thing to look forward to?
Let’s pray this together, “Lord, salamat at sinusundan Mo kami ng iyong pagmamahal. Tulungan Mo akong maranasan ito nang buong-buo sa buhay ko. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!