• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 20, 2025

Love ka ni Lord, kahit may flaws ka. 😘

Publication date Ago 20, 2025

Kapag sinabing alagad ni Jesus, madalas ang naiisip natin ay ang mga magagaling — or those who have at least overcome their weaknesses already. Kaya kapag nararanasan natin ang ating kahinaan, nadidismaya tayo at minsan pinipili na lang na huwag nang tuluyang sumunod kay Jesus. Ikaw ba, nahihirapan ka rin ba sa mga kahinaan mo?

Basahin natin ngayong araw ang sumusunod:

…sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo (tinawag niya silang Boanerges na ang ibig sabihin ay “mga anak ng kulog”) (Marcos 3:17 ASD)

Si Santiago (o James sa English) at Juan ay mga mangingisda rin. Dito, inilarawan ang ugali ng magkapatid bilang ‘mga anak ng kulog.’ Bakit kaya?

Let’s read this aloud:

Nang malapit na ang araw para bumalik si Hesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem. Kaya pinauna niya ang ilang tao sa isang nayon ng mga Samaritano upang humanap ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga tagaroon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem. Nang malaman iyon ng mga alagad ni Hesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Hesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?” Ngunit lumingon si Hesus at pinagsabihan sila. At tumuloy na lang sila sa ibang nayon. (Lucas 9:51-56 ASD)

Naku! Nakikita mo ba? Dahil lang ayaw silang tanggapin ng mga tagaroon, agad silang nagalit at gusto pa nilang sunugin ang buong bayan! Pero kahit mainitin ang kanilang ulo, pinili pa rin sila ni Jesus na maging Kanyang mga alagad. Dito natin makikita: hindi tumatalikod si Jesus sa ating mga kahinaan — kaya Niya tayong baguhin. Kayang-kaya tayong i-transform ni Jesus para maging bahagi ng Kanyang plano.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.