• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 29, 2026

Love Came Running

Publication date Hul 29, 2026

Noong bata pa tayo, sigurado akong marami tayong pagkakamaling nagawa. At normal lamang na sinusundan ito ng disiplina mula sa ating mga magulang. May ilan na napapagalitan nang todo, at may iba naman na nakakaranas ng mas mahigpit na parusa kapag mas mabigat ang nagawang pagkakamali. Other parents may have disciplined us through spanking or other forms of physical punishment.

Napag-usapan namin ito ng ilang kaibigan, matapos naming marinig ang pahayag na ang Diyos daw ay nagbibigay ng “discipline without rejection.” It made us reflect on the forms of discipline we grew up with when we made mistakes. May ilan na nakaranas na mapalo, habang ang iba naman ay hindi nga napalo pero nasaktan sa mga salitang binitawan kapag galit ang magulang. This led us to wonder how discipline can be given without making someone feel rejected. 

Naalala ko ang paglalarawan ni Jesus sa kwento ng isang ama na may anak na naglayas (Luke 15). Lahat ng kalokohan ay ginawa ng anak na iyon—hiningi niya ang kanyang mana kahit buhay pa ang kanyang ama, lumayas siya, at winaldas ang pera sa luho at bisyo. 

Pero noong bumalik siya sa kanyang tahanan, ano ang ginawa ng ama? Nakita ng ama ang anak habang malayo pa ito, at tumakbo siya papunta rito. 

May mga pagkakataon bang pakiramdam mo ay napakalayo mo na sa Panginoon? Because of our mistakes, failures, or wrong decisions, we often think that we need to fix ourselves first before we can come back to Him. 

Pero tingnan mo ang kwento ng alibughang anak—hindi ang anak ang unang tumakbo. Ang ama ang unang tumakbo papunta sa kanya. 

Ganito ang puso ng Diyos. Habang tayo ay nag-aalinlangan, Siya ay naghihintay. Habang tayo ay nagtatago, Siya ay naghahanap. The gospel is not about people climbing the steps to heaven. It is the story of a God who comes down and runs to meet His lost children.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.