Lord, Where Are You?
May mga araw ba na paggising mo, parang okay naman ang lahat… pero may bigat na hindi mo maipaliwanag? Maayos naman ang panahon. Sumisikat ang araw. Tuloy ang buhay ng lahat. Pero sa loob mo, parang may madilim na ulap na ayaw umalis.
At minsan, sa ganitong mga sandali, hindi mo maiwasang itanong: “Nasaan ang Panginoon?”
Being a follower of Jesus does not guarantee that our lives will always be filled with joy and victories. Hindi tayo exempted sa heartbreak, disappointment, pagkawala, pagod, at mga panahong hindi natin alam kung paano tayo muling makakabangon.
At sa mga panahong may pinagdadaanan tayong hirap, madaling mawalan ng pag-asa sa Panginoon—lalo na kapag parang hindi natin Siya maramdaman o marinig. May mga ganitong season talagang dumarating sa buhay natin.
Pero hindi nakadepende sa karanasan natin ang katotohanan tungkol sa Panginoon.
Maaaring hindi natin laging nakikita kung ano ang ginagawa Niya. Maaaring hindi natin agad naiintindihan kung bakit nangyayari ang isang bagay. Pero hindi ibig sabihin noon na wala Siya.
Siya pa rin ang ating Immanuel—“God with us.”
Yes, lagi mo Siyang kasama.
Kaya hindi mo kailangang matakot. Hindi ka nag-iisa, dahil si Jesus ang Siyang laging naroroon at hinding-hindi lumalayo sa iyo. Siya ang tunay na nakakaintindi sa iyo.
Sa mga paghihirap na pagdaraanan natin, si Jesus ang tunay nating Kaibigan—ang Kaibigang:
-
hindi umaalis sa barko kahit may malaking bagyo (Luke 8:20-25)
-
hindi tayo kino-condemn, kundi patuloy tayong minamahal (Romans 8:1)
-
palaging nasa tabi natin bilang ating sandigan (Psalm 54:4)
Kaya kung mabigat ang puso mo ngayon, pwede mong sabihin: “Lord Jesus, salamat sa Iyong faithfulness, friendship, at presence. Kahit hindi Kita laging nararamdaman, naniniwala akong kasama Kita. Salamat dahil hindi Mo ako iiwan o pababayaan. Ikaw ang tunay kong Kaibigan.”
Tandaan mo, isa kang miracle!