Looking for wholeness? He’s waiting to give it to you. 😇
Isang bahagi siguro ng grief na napakahirap dalhin ay ang pagkamiss mo sa taong nawala sa iyo. Hindi mo maiwasan na maalala ang mga dati ninyong ginagawa, at sa bawat paglingon mo, may mga bagay o pangyayaring bumabalik sa isip mo. Ang masakit, alam mong hindi na ito mangyayari pang muli kasama siya.
Hugs.
And today, as we continue our series ‘Dalamhati (Grief),’ let’s read this passage from the Bible, where the prophet Isaiah describes the coming Savior, Jesus.
Hinamak siya at itinakwil ng mga tao.Dumanas siya ng mga sakit at hirap.Tinalikuran natin siya, hinamak,at isinawalang-bahala.Ang totoo, pinasan niyaang mga sakit natin,at tiniis ang mga pighatingdapat sanaʼy ating dadanasin.Inakala nating siyaʼypinarusahan ng Diyos,sinaktan at pinahirapan. (Isaias 53:3-4 ASD)
Nakikita mo ba? Si Jesus pala ay dumanas din ng paghihirap dahil pinasan Niya ang mga sakit natin. Tiniis Niya ang pighati para sa atin. Dahil dito, puwede tayong lumapit sa Kanya at alam nating naiintindihan Niya ang nararamdaman natin.
At ito pa ang kasunod:
Subalit, sinugatan siyadahil sa ating mga pagsuway;dinurog siya dahil sa ating kasamaan.Ang parusang tiniis niyaay nagdulot sa atin ng kapayapaan.At dahil sa kanyang mga sugat,tayoʼy may kagalingan. (Isaias 53:5 ASD)
We believe that He can give you peace and restoration, despite the pain and brokenness you’re in right now. Hindi man ito siguro mangyayari kaagad, pero as you keep coming to Him, He will slowly but surely restore you to wholeness.
Let’s pray this together, “Lord, napakasakit. Tulungan mo ako to get through this. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!