Looking for someone who really gets you,? Eto na ‘yun!🧐
Family reunion — yan ung rare moment na nagkakasama-sama ulit halos ang buong angkan. Expect that it will be full of laughter, food trips, major throwbacks, kwentuhan at kulitan. Ang mga parents, titos, at titas natin may mga stories noong bata pa sila — mga inside jokes na sila-sila lang talaga ang nakaka-relate. At tayo din, may mga shared memories with our siblings and cousins, na ang sarap balikan. Nag-eenjoy ka din ba sa ganitong gathering?
Of course, it doesn’t always mean na close ang lahat ng magkakapatid, or na smooth sailing lagi ang family relationships. One time, nagka-conflict ako with the sibling I was closest to growing up. Ang sakit — kasi I felt like I lost someone who really knew me. Even if, in truth, alam kong mas kilala ako ng husband ko and ng mga current close friends namin.
Nakasulat pala sa Bible na si Jesus ay “brother” natin:
Si Jesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya. (Hebreo 2:11 ASND)
Dahil sa sinabi na si Jesus ay “kapatid” natin, na-appreciate ko tuloy ang idea ng pagiging magkakapatid. Sa pamilya kasi tayo nate-train para tanggapin ang strengths at weaknesses ng isa’t isa. Though, totoo, hindi naman laging ‘yon ang nangyayari. Pero kapag naisip natin si Jesus as our brother, can we picture Him as someone who knows and has seen what we’ve been through from childhood onwards?
Feeling mo ba, no one sees what you’re really going through? Brother mo si Jesus; nakikita Nya ang lahat ng nangyayari sa iyo, and He cares!
Ito ang challenge ko sa iyo today: sumulat ng isang letter kay Jesus tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa iyo. Then, itago ang sulat sa isang private place. Or if you want, pwede ring sunugin ito, since alam mong nabasa na ito ni Jesus.
Isa kang miracle!