Learn the Truth! Multo Ba ang Nabuhay sa Ikatlong Araw? 😵
Noong muling nabuhay si Jesus sa ikatlong araw, nag-isip ka rin ba kung ano ang nangyari? Siguro na-imagine mo na nagising lang Siya sa libingan at lumakad palabas. O na para Siyang espiritu o multo na lumipad pabalik sa langit. Naisip mo rin ba kung may totoong katawan Siya, nabuhay muli, at nagpakita sa mga tao pagkatapos ng Kanyang pagkamatay?
For our series this week, “Arms Wide Open: Jesus is Alive!”, let’s take a look at what the Bible says about Jesus’ resurrection and, at times, what it means for us as believers. Today, we’ll focus on the more literal descriptions. Umpisahan natin ang pagbasa:
Habang pinag-uusapan nila ito, nagpakita si Hesus at tumayo sa kalagitnaan nila, at binati sila, “Sumainyo ang kapayapaan!”
Ngunit nagulat sila at natakot dahil akala nila ay multo ang nakita nila. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot? At bakit kayo nag-aalinlangan? Ako talaga ito. Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko. Hawakan ninyo akoʼt pagmasdan. Hindi ako multo, dahil ang multo ay walang laman at buto ngunit ako ay mayroon.”
Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa. Sa kagalakan nila at pagkamangha, halos hindi pa rin sila makapaniwala. Kaya tinanong sila ni Hesus, “Mayroon ba kayong pagkain diyan?” Binigyan nila si Hesus ng isang hiwa ng inihaw na isda. Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila. (Lucas 24:36-43 ASD)
Nakikita mo ba? Akala rin ng mga tagasunod ni Jesus na multo ang nakita nila. Pero ipinakita Niya Kanyang mga kamay at paa. Humingi pa Siya ng pagkain at kinain ito sa harap nila! Ibig sabihin, may totoong katawan si Jesus, bagong katawan nga lang, noong nabuhay Siyang muli. Ang katawang ito ay hinding-hindi na muling mamamatay. Let’s thank God for the gift of the resurrection!
Tandaan mo, isa kang miracle!