• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 5, 2026

Say It All…Freely!

Publication date Hun 5, 2026

Kapag kausap mo ang best friend mo, you can share everything on your mind, di ba? Walang filter—lahat nasasabi mo, kahit hindi perfect ang words, basta ‘yon ang laman ng puso mo. Ganito din ba ang naiisip mo kapag pinag-uusapan ang prayer?

Let’s continue our series this week, “Finding Peace Through Prayer,”  at tingnan natin ang isang katotohanan tungkol sa panalangin: that more than a public performance, prayer is a private conversation with God. Let’s read this passage from the Bible: 

Sa halip, kapag mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kuwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo. (Mateo 6:6 ASD

Nakikita mo ba? Inaanyayahan pala tayo ng Panginoon na kapag mananalangin, ay pumasok sa kwarto at isara ang pinto. Naglalarawan ito ng private conversation with Him, something that we don’t ‘perform’ for others to see. Yes, there is room for prayer in public gatherings, but in this particular case, we’re talking about prayer as talking to God privately.

Ikaw ba, ano ang karanasan mo sa pakikipag-usap kay Lord? Sanay ka bang makipag-usap sa Kanya in private? Or mas nakasanayan mo ang mga public prayers? 

Kung hindi ka pa sanay makipag-usap sa Kanya nang walang nakikinig, pwede mo itong umpisahan ngayon. Ang maganda pa, wala kang iisipin na ibang taong nakikinig, kaya pwedeng-pwede mong ibuhos ang lahat ng iyong nararamdaman at iniisip nang walang takot sa sasabihin ng iba. Pumili ng oras na pwede kang mag-isa sa kwarto mo. Kahit 3 o 5 minutes lang, let’s try using that time to talk to God. 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.