Kelan ka ba naipagtanggol ni Lord?
Na-experience mo na ba na may nagtanggol o nag-stand up for you?
Mataba ako noong bata pa ako. Dahil dito marami akong naranasang pambu-bully. May isang mas matandang lalaki ang lagi akong tinutukso. Isang araw, hindi ko na kinaya ang kanyang panunukso at napaiyak na talaga ako. Nagulat na lang ako nang magkwento ang mga kaklase ko: nalaman pala ng kuya ko na mas matanda sa lalaking iyon ang ginagawa nito kaya pinagalitan niya ito. Umiyak pa ito ng mapagsabihan! Pero dahil doon never ng naulit ang panunukso niya.
Bakit ko naikwento ito? Dahil sa series natin this week, “Isa Siyang Personal God,” we’re going to see God as a warrior who rescues us, as seen in this passage from the Bible:
Sapagkat kasama ninyoang Panginoon na inyong Diyos.Siya ay isang mandirigmangmagliligtas sa inyo.Siya’y magagalak sa inyo,at sa kanyang pag-ibig kayo’ykanyang panunumbalikin.Sa kanyang kagalakanay kanyang aawitan.” (Zefanias 3:17 ASD)
Sa nakasulat na ito, may ilang halimbawa tayo kung gaano ka-personal ang Panginoon sa atin:
1. Siya ay isang mandirigmang magliligtas sa atin - He’s actively fighting for us!
2. Siya’y nagagalak sa atin - He feels pleasure in us.
3. Panunumbalikin Niya tayo sa Kanyang pag-ibig - He’s actively pursuing us with His love.
4. Aawitan Niya tayo sa Kanyang kagalakan - He feels joy and sings because of it.
Ang galing, di ba? Which of these descriptions of God surprises you the most? Pwede mong kunin ang mga linyang ito at ilagay sa iyong journal. Then, under each heading, list down some examples of when you see God doing that in your life. After that, pwede mo itong ipagdasal sa Kanya, “Lord, salamat at ikaw ay [insert one of the four descriptions here]. Nakita kong ginawa Mo ito noong [insert your example here]. Salamat, gusto Kitang mas makilala pa bilang isang personal God. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!