• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
Publication date Ene 18, 2025

Kanino ka ba naiinggit?🎙️

Publication date Ene 18, 2025

Minsan ba ay naiinggit ka sa mga influencers na pinapakinggan mo, dahil sa kanilang malalim na relasyon sa Diyos? Minsan ba ay nararamdaman mong hindi mo maaabot ang narating nila para sa Diyos o kasama ang Diyos?

Huwag mag-alala, Friend, hindi mo kailangang gawin iyon!

Ang bawat tao ay may natatanging love language para sa Panginoon. Alam mo ba? Nasisiyahan si Lord sa love language mo sa Kanya, at hindi Niya ito ipagpapalit sa love language ng iba! Hindi Siya nagsisisi, kasi pinili ka Niya, hindi ikaw ang pumili sa Kanya (Juan 15:16).

Hindi mo kailangang magpanggap na maging katulad ng ibang tao—dahil wala nang kailangang "mold" o pamantayan para matuwa ang Diyos, dahil tapos na lahat iyon sa pamamagitan ni Jesus!

Hindi ka nilikha upang mag-operate base sa kung anong sinasabi ng iba kung ano ang dapat mong gawin, o kung anong “mukhang” gumagana para sa iba... Kung ang Diyos ay balak na lahat tayo ay makipag-ugnayan sa Kanya sa parehong paraan, bakit Niya pa nilikha ang napakaraming natatanging personalidad?

Friend, basahin mo aloud itong promise Niya sa Bible: 

…Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng pagkain na inilaan ko sa langit. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na may nakasulat na bagong pangalan na walang ibang nakakaalam kundi ang makakatanggap nito. (Pahayag 2:17 ASND)

Nakikita mo ba, Friend? May bagong pangalan Siyang nakalaan sa iyo. Hindi mo kailangang gayahin ang iba. Kaya Niyang mahalin ka sa paraang kailangan mo.

Sabihin mo ito aloud, Friend: “Lord, Ikaw ang nagmamahal sa akin sa paraang kailangan ko.”

Tandaan mo, Friend: isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.