• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
Publication date Ene 17, 2025

Kailangang ayusin 🛠️ ba ang buhay bago mahalin ni Lord?

Publication date Ene 17, 2025

Naranasan mo bang maniwalang kailangan mong ayusin ang iyong buhay, dahil kung hindi, mauubos ang pasensya ng Diyos sa iyo? Sinasabi ito ng mga tao kapag nawalan na sila ng pananaw sa kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos: ang ganitong pag-iisip ay ibinababa ang pag-ibig ng Diyos sa antas ng tulad ng sa tao. Ang pag-ibig ng tao ay maaaring mag-give up sa atin, pero hindi ang pag-ibig ng Diyos—dahil ang Kanyang perpektong pag-ibig ay humahabol sa atin, anuman ang mangyari.

Basahin natin ang Psalm 23:6 (ASND)

“Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay. At titira ako sa bahay nʼyo, PANGINOON, magpakailanman.” 

Alam mo ba na ang Hebreong salita para sa “mapapasaakin" ay mas malapit sa ibig sabihin ng "hahabulin," "hahanap-hanapin"? Siguro ito ang dahilan kung bakit parang kabaliktaran ang galaw ng pag-ibig ng Diyos kumpara sa pananaw ng mundo. Habang ang "pag-ibig" ng mundo ay nawawala kapag ang isang tao ay nagiging hindi na karapat-dapat mahalin, ang pag-ibig ng Diyos ay hinahabol ang pinakamasamang tao sa atin!

Ito ang tinatawag kong kamangha-manghang biyaya. Magaling na nailahad ni Jesus ang konsepto ng pag-ibig sa ating mga kaaway: 

“Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Ang mga makasalanan man ay marunong ding magmahal sa mga nagmamahal sa kanila. Kung ang mga nagmamabuti lamang sa inyo ang inyong gagawan ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! (Lucas 6:32-33 RTPV05).

Friend, alam mo ba kung sino ang tinutukoy ni Jesus nang nagsalita Siya tungkol sa pagmamahal sa mga kaaway? Ganito ang pagmamahal ng Diyos sa atin: habang tayo’y mga makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin (Romans 5:8).

Masayang isipin, ano? Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.