Need a Solid Anchor?
Nakakita ka na ba ng ibinababang angkla o anchor mula sa malaking barko? It’s used when the sailor needs to park the boat. Kumakapit ang angkla sa ilalim ng dagat at ito ang nagpapanatili na hindi gagalaw o madadala ng alon ang barko. Even with modern technology, large ships still need the old-fashioned anchor.
As we continue our series, “Hope for Every Season: Your Anchor When Life Feels Heavy,” tingnan natin ang angkla bilang magandang paglalarawan ng ating buhay. Gaya ng barko na nadadala ng mga alon at pwedeng anurin kahit saan, ganoon din ang buhay natin. Pero ang barkong naka-angkla ay siguradong hindi madadala kahit ano pang bagyo ang dumating.
Gusto mo rin ba ng ganitong buhay, one that can withstand the storms of life?
Let’s read this passage from the Bible, which continues the Shepherd’s Psalm we read yesterday:
Dumaan man ako sa madilimna libis ng kamatayan,hindi ako matatakotdahil kayoʼy aking kasama.Ang inyong pamalo at tungkodang sa akiʼy umaaliw. (Salmo 23:4 ASD)
Nakikita mo ba? Kahit ano pang kadiliman ang pagdadaanan natin, kasama na ang libis ng kamatayan, pwede tayong magkaroon ng lakas dahil kasama natin ang Panginoon. Hindi ibig sabihing hindi tayo makakaramdam ng takot—pero pwede tayong kumuha ng lakas sa katotohanang kasama natin Siya, at ginagawa Niya ang lahat para sa kabutihan natin.
Ano bang kadiliman ang pinagdadaanan mo ngayon? Ikuwento mo ito kay Lord. At tandaan mo, gaya ng barko, meron ka ring Angkla sa buhay, at hinding-hindi ka Niya pababayaan.
Tandaan mo, isa kang miracle!