• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 25, 2024

Kailangan mo ba ng miracle?🤩

Publication date Nob 25, 2024

May pinagdadaanan ka ba ngayon na tingin mo wala ng way out? Yun bang tipong wala na talagang solusyon sa problema at tapos na ang lahat? 

Mahirap mawalan ng pag-asa. Alam mo bang ganito din ang pakiramdam ng maraming taong naka-encounter kay Jesus noong naglalakad Sya sa mundo? Maraming may mga sakit na hindi kayang gamutin ng mga doktor; may mga namatay na nag-iwan ng sawing pamilya, na, understandably, nakakaramdam ng kawalang pag-asa maging masaya muli. 

May magandang scene akong napanood sa The Chosen, Season 3 Episode 5. Sa episode na ito, nagmamadali si Jairus na hanapin si Jesus dahil may sakit ang kanyang pinakamamahal na anak. Pero hindi sila umabot; habang kasama pa nya si Jesus, may dumating na nagsabing namatay na ang anak nya. 

Can you imagine ang reaksyon ng tatay sa balitang ito? Ginawa mo na nga ang lahat, mapapasayang ka lang. Nahanap mo nga si Jesus, eh, too late naman! Wala na ang lahat, dahil patay na siya. 

(Pero alam mo, I was moved dahil sa sobrang compassion sa mukha ni Jesus sa nakita Nyang pain na nararamdaman ni Jairus. Hindi pala emotionless ang God natin; Sya man ay natutuwa at nakakaramdam din ng sakit!) 

Then, sumama Sya sa bahay at sinabing hindi daw patay ang bata, kundi tulog lang. Pinagtawanan Sya ng lahat ng nandoon. Syempre, kung ikaw kaya iyon, maniniwala ka bang may magagawa pa Sya? Pero pinaalis Nya ang lahat, parang hindi nga maiintindihan ang ginagawa Nya. At ayun! Nabuhay ulit ang bata! 

(Panoorin natin ang video dito: The Chosen Season 3 Episode 5: Clean, Part 2, mula 40:34-45:00) 

|FNAME|*, nakikita mo ba? Si God ay isang miracle-maker. Ang akala nating wala ng way out, kaya Nyang baguhin. 

Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.