Safe in Him
May alaga ka bang hayop ngayon? Dati, tinatawag lang silang mga “pets,” pero sa panahon ngayon, many people treat them as furbabies or part of the family. Ganyan ka din ba?
Bakit naman naitanong ito? Because this week, we’re starting a new series called “The Lord is Our Shepherd,” which we will base on Psalm 23, the famous Shepherd Psalm, or song. At malaking bahagi nito ay ang ating pag-unawa sa pag-aalaga ng hayop.
Of course, may pagkakaiba rin ang pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng hayop. Sa Bible, ang ginamit ni David, na siyang sumulat ng famous Psalm na ito, ay ang isang pastol—isang pangkaraniwang trabaho sa panahon niya. And because sheep are not common domestic animals in our culture, isa-isahin natin ang paglalarawan para mas maintindihan natin kung ano ang ibig sabihin kapag sinasabi nating “The Lord is my Shepherd.”
Una, basahin natin ang unang bahagi ng Salmo 23:
Ang Panginoon ang aking pastol,hindi ako magkukulang ng anuman.Pinagpapahinga niya akosa malagong damuhan,inaakay niya ako patungosa tahimik na batisan.Binibigyan niya akong panibagong kalakasan.Pinapatnubayan niya akosa tamang daan,upang siya’y aking maparangalan.Dumaan man ako sa madilimna libis ng kamatayan,hindi ako matatakotdahil kayo’y aking kasama.Ang inyong pamalo at tungkodang sa aki’y umaaliw. (Salmo 23:1-4 ASD )
Nararamdaman mo ba ang pag-aalaga ng isang pastol sa awiting ito? Ang pastol ang nagdadala sa alagang tupa kung saan makakakain ang mga ito at kung saan sila makapagpapahinga.
Throughout this series, tingnan natin isa-isa ang mga katotohanang makikita sa awit na ito, na nagpapakilala sa atin ng puso ng Panginoon.
Tandaan mo, isa kang miracle!