• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish

Today is the last day in our series about the passage from Isaiah 40. Naniniwala kaming ang linggong ito ay simula ng tagumpay laban sa pagod at panghihina!

Ang buhay bilang isang Kristiyano ay parang araw-araw na paglalakad. Pero minsan, humihinto tayo: may mga pagsubok, pagkakasakit, pagtanggap ng pagtanggi, at may mga masasamang balita. Parang lahat ng ito’y gustong pahintuin tayo.

Isang araw, nakatagpo si Jesus ng isang lalaking nakahiga sa Pool ng Bethesda. Ang pamahiin noon ay, kapag gumalaw ang tubig, ginalaw ito ng anghel, at kung sino ang unang makakatalon sa tubig ay gagaling sa anumang sakit. 

May isang tao doon na ang buhay ay parang natigil at nasayang lang sa napakatagal na panahon, dahil hindi siya nakakalakad. Nakita siya ni Jesus na nakahiga doon, at dahil alam Niya na matagal na siyang may sakit, tinanong Niya ito, “Gusto mo bang gumaling?” 

Sumagot ito ng, “Ginoo, walang taong tutulong sa aking mailagay ako sa tubig kapag gumagalaw ito; lagi na lang may nauuna sa akin habang ako’y papunta.” 

At sinabi ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at maglakad.” Agad gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan at nagsimulang maglakad. (Basahin ang kwento sa Biblia, John 5:6-9)

Friend, nais ng Panginoon na bigyan ka ng lakas para maglakad, at ang maglakad nang hindi napapagod! The promise is, “Sila ay lalakad at hindi manghihina.” And this promise is for you.

When you keep pressing in and walking with Him, madagdagan din ang lakas mo. Dahil ang Panginoon mismo ang maglalakad kasama mo! So muster your courage, Friend, you are not alone. At kung patuloy kang maglalakad kasama ang Diyos, ikaw ay magiging higit pa sa tagumpay! 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.