kailan mo ba last nakausap si Lord?
Noong bata ka ba, akala mo si Jesus ay parang rebulto lang sa simbahan, nakaupo lang sa langit at hindi gumagalaw? At habang tumatanda ka, masyado ka nang nagiging busy sa buhay. Kaya minsan, hindi mo na Siya kinakausap ng totoo. At baka dahil din sa takot, o sa akala mong hindi ka Niya maiintindihan. Ikaw, kailan ka ba huling nag-open up kay Lord?
But don’t forget, ang Panginoon natin ay isang napaka-personal na God. Makikita natin sa buong Bible that He moves, He’s involved in His people’s lives, and He wants to be involved in yours too.
As we near the end of this series, let’s read this passage:
Sinabi pa ng Panginoon,
“Halikayoʼt pag-usapan natin ito.Gaano man kabigat ang inyong kasalanan,kahit itoʼy matingkad na pula,itoʼy aking papuputiin tulad ng nyebe.Kahit na itoʼy pulang-pula,itoʼy magiging puting-puti. (Isaias 1:18 ASD)
Nakikita mo ba? Yes, God forgives our sins, and He sent His Son Jesus to pay for them. But that doesn’t mean that He treats it like a business transaction. In this passage, malinaw na gusto Niyang pag-usapan natin ito. That’s why we come to Him in prayer and confess our sins to Him; He wants us to bring them to Him so we can dialogue with Him about all that we’re going through.
At ang extremely good news pa nito: kahit matingkad na pula ang mga kasalanan natin, kaya Niyang paputiin ito tulad ng snow. Kaya kahit ano pa ang nagawa mong kasalanan, huwag kang matakot lumapit sa Kanya!
Let’s pray this together, “Lord, salamat at isa Kang personal na God, na gustong lapitan ko at pag-usapan natin ang mga nagawa at mga pinagdadaanan ko. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!