• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VN Vietnamese
Publication date Nob 23, 2026

Jesus Looked Up

Publication date Nob 23, 2026

Naranasan mo na bang husgahan ka ng mga tao dahil sa kung sino ka o sa mga nagawa mo? Imagine mo na lang kung halos lahat ng tao sa paligid mo ay ayaw sa iyo. Ganyan ang sitwasyon ni Zacchaeus sa Bible.

Isa siyang tax collector, kaya marami ang galit sa kanya. Bakit? Dahil ang mga tax collector noon ay nangongolekta ng buwis para sa Rome, at may ilan na naniningil nang sobra para sa pansariling kita nila. Kaya hindi kataka-takang masama ang tingin ng mga tao kay Zacchaeus. (Luke 19:1-10) 

Pero may isang taong iba ang naging pagtingin sa kanya: si Jesus.

Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Jesus noong nakasalubong Niya si Zacchaeus? Nakita Niya si Zacchaeus sa taas ng isang punongkahoy. Jesus looked up to him, at tinawag ito:

“Zaqueo, bumaba ka agad diyan, kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon!” (Lucas 19:5 ASD) 

Imagine that! Ang Panginoon na dapat nating lapitan ang unang gumawa ng hakbang para lapitan ang isang taong hinuhusgahan at iniiwasan ng iba. Hindi lang Siya tumingin kay Zacchaeus—pinili Niyang makasama ito. 

What a beautiful picture of God's mercy! Ang Panginoon ay kusang nagpakumbaba upang lapitan ang isang taong minamaliit at hinuhusgahan ng iba. Hindi Niya hinayaang ang pagkakamali ni Zacchaeus ang maging dahilan para hindi Niya ito lapitan. Sa halip, ipinakita Niya ang Kanyang pagmamahal at binigyan ito ng pagkakataong tumugon sa Kanya.

Minsan, tulad ni Zacchaeus, umaakyat din tayo sa puno ng pagmamataas o pagyayabang. Kumakapit tayo sa achievements, kakayahan, o sariling pananaw. Pero patuloy tayong tinatawag ni Jesus na bumaba at lumapit sa Kanya nang may mapagpakumbabang puso.

Si Jesus ang unang gumagawa ng hakbang para tawagin tayo. Ang tanong, handa ba tayong tumugon sa Kanyang tawag?

Ngayon, may bahagi ba ng buhay mo ngayon na kailangan mong isuko sa Diyos upang matuto kang magpakumbaba?

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.