It’s not the end of the journey, ! ☺️
Kumusta ka? We hope that as we close our series, “Pursuing Emotional Wellness,” may natutunan ka tungkol sa pag-aalaga sa sarili, lalo na pagdating sa emotional health. Don’t worry, this isn’t the end of the journey, we’ll surely still be talking about this along the way, dahil alam naming napakahalaga nito sa buhay natin.
At alam din naming hindi madali ang maging emotionally healthy. It’s a long journey, and we want to walk with you through it as long as we possibly can. But for now, let us congratulate you for taking the first steps in pursuing emotional wellness! Salamat at binigyan ka Niya ng courage to walk this path.
Today, let’s read this verse:
Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon,maaaring patay na ako ngayon.Nang sabihin kong parangmamamatay na ako,ang inyong pag-ibig at awa, Panginoon,ang tumulong sa akin.Kapag gulong-gulo ang isip ko,inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya. (Salmo 94:17-19 ASD)
Nakikita mo ba? Hinding-hindi ka pababayaan ng Panginoon. And this is our encouragement for you: kapag dumating ang moments na parang hopeless ka na, at parang wala ka nang lakas sa bigat ng pinagdadaanan mo, tandaan mo ito — pwede kang tumawag o lumapit sa Kanya anytime, anywhere! Siguradong tutulungan ka Niya.
Kung magulo ang isip mo, lumapit ka sa Kanya. Pwede mong gawin ito by praying, or by singing a song, or by writing in a journal or painting a picture. Napakaraming paraan upang lumapit kay Lord at kausapin Siya.
You can also pray this, “Lord, napakagulo ng isip ko ngayon. I need Your help, I need Your rest, I need Your joy. Please help me. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!