• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 11, 2025

Ito na ba ang himala mo? 🤗

Publication date Ago 11, 2025

Kumusta ang pakiramdam mo ngayon, Friend? May karamdaman ka ba na nangangailangan ng paggaling? Or maybe you just know someone in need of healing from some sickness? 

Naitanong namin ito dahil mag-uumpisa tayo sa ating bagong series ngayong linggo: “Mga Pinagaling ni Jesus.” Titingnan natin ang ilang mga halimbawa ng mga taong pinagaling ni Jesus, at dalangin naming makatulong ito upang palakasin ang iyong paniniwala na pwede Niya rin itong gawin sa buhay mo at ng mga mahal mo. 

Ito ang unang basahin natin: 

Kaya nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit. (Mateo 14:14 ASND) 

Parang ang simple lang ng pagkakasabi ano? Pero tatlong bagay ang gusto naming tingnan natin ngayong araw:

Una, “napakaraming tao” daw ang nakita ni Jesus. It wasn’t just one or two people, but a crowd—a great number of them . 

Pangalawa, sinabi ritong “naawa siya sa kanila.” Gustong-gusto namin ito—ibig sabihin hindi lang Siya nagpagaling dahil kaya Niya, kundi may feelings involved. He felt compassion for the people He saw. That also means… He feels compassion for you and me! 

Pangatlo, “pinagaling niya ang mga maysakit.” Dito natin makikita kung ano ang magandang nangyari sa mga maysakit—sila ay gumaling! Nawala ang anumang sakit na meron sila. 

Ano sa tingin mo ang ibig sabihin nito sa buhay mo, Friend? Kumuha ka ng notebook at ballpen. Kopyahin mo ang verse na ito, at isulat mo ang mga nasa isip mo para kay Jesus, tanong man ito o pasasalamat, or a request for healing for yourself or your loved ones. Pagkatapos nito, bigkasin ito bilang panalangin kay Jesus. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.