Ito ang Tunay na Kwento ng Pagbabago

Bakit kaya may mga taong mayabang? Iyong tipong akala mo sila na ang pinakamagaling sa lahat. Sa kwentuhan, sila ang pinakamaingay—at puro tungkol sa sarili nila ang usapan. Hindi ba’t ayaw natin kapag gano’n ang nakakasama natin? Kaya mapapatanong ka talaga: bakit si Jesus pumili ng isang taong kilala sa pagiging mayabang?
May isang taong ganito sa Bible — si Paul. Hindi lang siya mayabang, he did everything he could to stop the followers of Jesus — even if it meant approving their death. Let’s read about his encounter with Jesus, when he was still known as Saul (or Saulo in the Tagalog Bible):
Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”
Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?”
Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig.” “Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita. Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco. Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom. (Mga Gawa 9:3-6)
Can you imagine a dramatic encounter like that? And the Lord continued to transform Paul over the next several years, hanggang sa naging isa siya sa mga pinakamaraming naabot na tao para sa Panginoon.
Alam mo bang binago pa niya ang kanyang pangalan? Dati, Saul ang pangalan niya, at pinalitan niya itong Paul— na ang ibig sabihin ay “maliit.” Isa itong halimbawa ng transformation that happened inside him from his relationship with the Lord.
Tandaan mo, isa kang miracle!

