• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Noong lumipat kaming buong pamilya sa aming tahanan sa kabundukan, isa sa mga kinawiwilihan naming panoorin ay ang mga lumilipad na agila. Nakakaaliw ito dahil, hindi katulad ng ibang ibon gaya ng maya, eagles soar on the wind, with no need of flapping. 

Ikaw ba, Friend, nakakita ka na ba kung paano lumipad ang agila, whether in real life or on TV or YouTube videos? Parang walang effort, hindi ba? Yun pala, ang agila ay “kumakapit” sa mga upward currents at lumilipad gamit ang mga ito. Tanging ang pag-angat lang ang nangangailangan ng effort, pagkatapos noon, ina-adjust lang ng agila ang landas nito para makahanap at manatili sa hangin na magdadala sa kanya.

Ganyan ang tawag sa’yo ni God: lumipad ka na parang agila:

Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina. (Isaias 40:31 ASND)

At ang maganda pa sa agila, napakataas nitong lumipad, kaya may expression tayong “bird’s-eye view,” that points to a higher perspective.  

Ikaw din, Friend, lumipad tayo patungo sa mataas na lugar, para matingnan mo ang sitwasyon mo mula sa itaas, at hayaan mong dalhin ka ng Holy Spirit, na kung minsan ay inilalarawan bilang "hangin" sa Bible. As an eagle, you can soar on the winds of the Holy Spirit, kaya gawin mo ang lahat para pumunta sa presensya Niya, then take off and enter His courts.

Friend, inaanyayahan kitang manalangin ngayon kasama ko: “Lord, nakatayo ako sa mga pangako Mo, sa kabutihan Mo, at sa kapayapaan Mo. Naniniwala ako na ang Espiritu Mo ang nagpapalakas sa akin ng higit pa sa kaya kong asahan, magtitiwala ako sa Iyo. Tulungan Mo akong kumapit and to stay with Your Holy Spirit, at lumipad gaya ng agila sa ibabaw ng mga pagsubok. In Jesus’ name, amen.”

Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.