• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 26, 2025

Is fear standing in the way?🥺

Publication date Nob 26, 2025

Alam mo ba ang latest? Siguro nabasa o napanood mo na din ang news about corruption. Legit naman na makaramdam ng disappointment o pagkainis dahil sa mga balitang 'to. Sino ba naman ang matutuwa sa mga mandaraya at manloloko, di ba?

We’re bringing this up not to talk specifically about that, but just to connect it to our series, “Faith or Doubt?” Today, we’re looking at another person in the Bible na pinili ni Lord, na hindi rin maganda ang naging simula sa buhay. Siya si Jacob, na pinangalanang ganito dahil noong ipinanganak siya, nakahawak ang kamay niya sa paa ng kambal niyang kapatid (Genesis 25:26). Sa kultura ng mga Hudyo, ibig sabihin daw nito ay mandaraya si Jacob. At naging mandaraya nga siya! Dinaya niya ang kanyang kapatid sa kanyang mana, at niloko nila ang kanilang ama para mabigyan siya ng biyaya sa halip na si Esau.

One way to look at it is that Jacob was acting out of fear—he would do anything to get what he wanted. Pero pinili pa rin siya ni Lord, at kahit ganoon ang ugali niya, kaya siyang baguhin ni Lord. From someone who depended on his own wits to combat his fear and deceive people, he became somebody who greatly trusted the Lord for everything.

Ikaw, nakakaramdam ka ba minsan na parang kailangan mong maging magaling, kahit mandaya ka pa para lang umasenso? Matutulungan ka rin ni Lord na matutong manalig sa Kanya. Pwede nating dasalin ito, “Lord, inaamin ko na may mga panahong takot ako kaya ginagawa ko ang lahat para lang umasenso, kahit na minsan hindi tama ang ibang paraan. Gusto kong matutong walk in Your ways. Tulungan Mo ako, turuan Mo akong magtiwala sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”

Hindi madali ang matutong manalig sa Panginoon, pero every little step counts. Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.