Involved ba si God sa buhay mo?
Kapag ang topic ay tungkol kay Lord, what comes to your mind? Naiimagine mo bang isa Siyang pulis na kapag nagkamali ka, huli ka? Si Santa Claus na kapag mabait ka, may gift ka; kapag hindi, wala? O kaya isang genie na kapag may hiniling kang kailangan mo, ibibigay ito sa'yo? No questions asked, ikaw ang master niya!
These are common misconceptions about God. Pero ano nga ba ang totoong paglalarawan kay God, as described in the Bible? Let’s take a look at this passage—this isn’t a summary, but an example of how God actually interacts with His people.
Titipunin ko ang mga mamamayan ko mula sa lahat ng bansa na pinangalatan ko sa kanila dahil sa matinding galit ko sa kanila. Muli ko silang dadalhin sa lugar na ito at mamumuhay sila nang payapa. Magiging mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Bibigyan ko sila ng pagkakaisa sa puso at hangarin sa buhay para sambahin nila ako magpakailanman, para sa sarili nilang kabutihan at sa kabutihan ng mga angkan nila. (Jeremias 32:37-39 ASD)
Ito ang ilan sa mga nakikita namin sa nakasulat na ito:
-
May ginagawa Siya: titipunin Niya ang mga mamamayan at muling iuuwi
-
Iniisip Niya ang kabutihan ng mga taong ito
-
Gusto Niyang magkaroon ng relasyon sa mga taong ito
-
Maganda ang plano Niya
You can pray by thanking Him for these four things. Through this example, we can see that we have a personal God, not some distant, impersonal figure. Gusto Niyang maging bahagi ng buhay natin at gawin ang lahat sa ikabubuti natin.
Tandaan mo, isa kang miracle!