Influencer Ka Rin Pala!
Mahilig ka bang manood ng videos ng mga influencers sa social media? Minsan ba naiisip mo, “Ang laki siguro ng impact nila sa buhay ng ibang tao!” With thousands or even millions of followers, parang ang dami nilang pagkakataong makagawa ng mabuti.
Pero alam mo bang influencer ka rin, kahit hindi ganoon karami ang followers mo?
Think about it. May nagsabi na ba sa’yo na gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa ngiti mo? O kaya naman, nahawa sa saya mo ang isang taong nakasalamuha mo? Minsan, kahit simpleng kabaitan, o pakikinig sa isang kaibigan, may malaking epekto na sa buhay ng iba.
Whether we realize it or not, our lives influence the people around us. Kaya mahalagang isipin hindi lang kung ano ang ginagawa natin, kundi pati kung anong klaseng epekto ang naiiwan natin sa iba.
May paalala ang Bible tungkol dito:
Kaya tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo. (Mga Taga-Corinto 11:1 ASD)
Ang gandang paalala nito? God can use your everyday life to show others what His love looks like. Tinatawag Niya tayong maging halimbawa ng pagmamahal ni Jesus sa paraan ng ating pamumuhay. Through His love for you, you can share His love with others through kindness, generosity, forgiveness, and compassion.
Tinatawag ka ng Panginoon na maging influencer for His kingdom—to be the fragrance of Jesus in this world. At hindi mo kailangang gawin ito nang mag-isa. Kasama mo si Jesus araw-araw, guiding you one step at a time.
Let’s pray this together:
“Lord, salamat at tinawag Mo akong maging blessing sa iba. Kahit minsan mahirap itong paniwalaan, salamat dahil kasama Kita at tuturuan Mo ako kung paano ito gagawin. In Jesus’ name, amen.”
Kaya, anong katangian ni Jesus ang gusto mong makita ng iba sa pamamagitan mo?
Tandaan mo, isa kang miracle!