• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 10, 2025

In your weakness, nakikita ka Niya,

Publication date Ago 10, 2025

Kapag may nagawa kang kasalanan, Friend , or when you come face to face with your weaknesses, what do you usually feel?  Unworthy of love— from other people, or even from God? 

To continue our series, “Ang Kabaitan ni Jesus,” tingnan natin ang kwento ni Zaqueo (pronounced /za-keyo/), isang tax collector. During their time, tax collectors were among the most hated people in the community, dahil sa kinagawian nilang sumingil ng sobra sa dapat at ibinubulsa ito. In other words, most tax collectors were greedy and corrupt. 

Basahin natin itong paglalarawan kay Zaqueo: 

Gusto sana niyang makita at makilala si Hesus, ngunit dahil siyaʼy pandak at maraming tao roon ay hindi niya ito magawa. Kaya tumakbo siya upang maunahan ang mga tao, at umakyat sa puno ng sikamoro upang makita si Hesus na dadaan doon.

Pagdaan ni Hesus sa may puno, tumingala siya at sinabi, “Zaqueo, bumaba ka agad diyan, kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon!” Kaya nagmadaling bumaba si Zaqueo at masayang dinala si Hesus sa kanyang bahay. (Lucas 19:3-6 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Kahit gaano pa ang kasalanan ni Zaqueo, ginusto niyang makita at makilala si Jesus. At kailangan pa niyang umakyat sa isang punong puro tinik para lang makita si Jesus. 

At ano ang ginawa ni Jesus? Kung nandoon ka siguro, aakalain mong hindi Niya papansinin ang isang makasalanang tulad ni Zaqueo. Sa halip, tumingala Siya sa punong kinaroroonan nito, kinausap niya at hindi lang ‘yon—sinadya pa Niyang tumuloy sa bahay nito. Ang bait ni Jesus! 

Ikaw ba, Friend, minsan ba’y pakiramdam mo hindi maaaring pansinin ka ni Jesus? Ipagdasal natin ito, “Lord, katulad ni Zaqueo, gusto kitang makita at makilala. Pumasok ka sa puso ko at gusto kong sumama sa Iyo.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.