In His eyes, you are spotless!

Do you feel good when you’ve achieved something, bad when you fail at things? Malamang oo—dahil likas sa tao ang makaramdam ng saya kapag may tagumpay, at lungkot kapag may kabiguan. Pero dapat bang ito ang maging basis ng identity mo?
Kahapon, napag-usapan natin ang hirap ng pakiramdam kapag lumalabas ang kahinaan natin. We believe this is why our series this week, “Our Identity in Christ,” is important: in times when we feel like a failure. Kailangan nating maalaala kung ano ang tingin ng Panginoon sa atin.
And we’d like to share this verse with you today:
Kailanmaʼy hindi nagkasala si Kristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan upang sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Diyos. (2 Mga Taga Corinto 5:21 ASD)
Nakikita mo ba? Dahil sa ginawa ni Jesus sa cross, Siya ang naging kapalit natin at nagbayad ng ating mga kasalanan. Kahit ni isang sala ay wala siyang ginawa, itinuring siyang makasalanan—at dahil dito naging matuwid tayo sa mata ng Diyos. Hindi ito biro, kundi isang katotohanan.
This is what we call the “Divine Exchange”—a very important truth of the gospel, the good news of Jesus Christ. Naging kapalitan tayo ni Jesus: our sin for His righteousness.
Kaya sa mga panahong nakakaramdam ka ng takot na baka hindi ka tanggapin ng Diyos, ito ang isipin mo: binayaran na ni Jesus ang lahat ng kasalanan mo, kaya ginawa ka Niyang matuwid—dahil Siya ang itinuring na makasalanan sa halip na ikaw.
Bigkasin mo ito bilang panalangin, “Jesus, salamat at ikaw ang itinuring na makasalanan, at ngayon ginawa mo akong matuwid sa Panginoon. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

