• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
Publication date May 13, 2025

Importante palang mag-isip-isip? 🤔

Publication date May 13, 2025

Friend, mahilig ka bang mag-isip-isip ng mga pangyayari, lalo na ng mga karanasan mo sa buhay? Minsan pwedeng maging sobra ito, gaya ng tinatawag sa panahon ngayon na “overthinking.” Pero alam mo bang ang pag-iisip sa mga karanasan, in the right doses, at ang pag-iisip ng mga katotohanang ibinigay ni Lord sa atin through the Bible, ay isang mahalagang aspeto ng pagkakaroon ng transformation sa buhay? Sa English, tinatawag itong “contemplation.” 

Sa totoo lang, napakahirap magkaroon ng contemplative lifestyle sa napakaraming kumukuha ng atensyon natin ngayon. Hindi ba’t ang daming trabaho, daming pupuntahan, at nakapakarami ring pwedeng tingnan at oras na inilalaan sa ating mga cellphones at gadgets? 

Pero mayroon palang paraan upang maibalik natin ang pamumuhay na laging nag-iisip ng mga katotohanan sa Bible at ng ating mga karanasan. Isa rito ang pagiging intensyonal sa pagbibigay sa Panginoon ng lahat ng nanggugulo sa isipan natin. Friend, basahin mo ito: 

Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Dios, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo. (1 Pedro 5:6-7 ASND) 

Nakikita mo ba, Friend? Maaari mong ipagkatilawa sa kanya ang lahat ng kabalisahan mo, dahil nagmamalasakit Siya sa iyo! 

Do you know one of the reasons we struggle to contemplate on God's truths is that our minds are full? Kapag maipagkakatiwala mo sa kanya ang mga ito araw-araw, it’s as if you’re freeing your mind to contemplate on the things of God. Sa halip na puno ang pag-iisip mo ng lahat ng kabalisahan mo, nabibigyan ka ng lugar upang makapag-isip ka ng Kanyang mga pangako at katotohanang ipinapakita sa Bible at sa iyong mga karanasan. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.