• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
Publication date Peb 4, 2025

Ikaw, love mo rin ba si God?🤔

Publication date Peb 4, 2025

Matapos nating pag-usapan ang love ni Lord para sa atin, today let’s talk about our love for God. 

Friend, masasabi mo bang mahal mo ang Diyos? Dahil dito tayo sa isang Christian country, you’re probably familiar with the Ten Commandments. Pero alam mo ba kung ano ang first commandment ayon kay Jesus? 

Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.” (Mateo 22:37-40 ASND)

Ayun, ang pinaka-importanteng utos daw ay mahalin natin si Lord nang buong-buo. Pero, paano ito mangyayari? 

May good news kami sa iyo, Friend. Did you know that any love we feel towards the Lord actually comes from Him? Sinasabi sa Bible, “Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.” (1 Juan 4:19). 

Ibig sabihin nito, gift Niya din sa atin ang pagmamahal natin sa Kanya. At higit pa roon, tuwing tinatangkilik natin ang presensya ng Diyos, mas higit Siyang natutuwa sa atin. Tuwing nararamdaman natin ang ating puso na umaagos ng pagmamahal at pagsamba sa Kanya, ito’y ang parehong passion na Siya mismo ang nagbigay at naglagay sa atin. At kapag umaawit tayo para sa Kanya, isang maliit na bahagi lamang ito ng awit na mula sa Kanyang puso patungo sa atin!

Friend, let’s pause for 5 minutes and give thanks to the Lord, dahil sa pagmamahal Niya sa puso natin. At tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.