Hugot from regrets? Usap tayo.
Let's face it — lahat tayo may regrets, ‘di ba? Some may be big, some are small. And yeah, regrets can hit hard — tipong nakaka-paralyze. Feeling mo stuck ka dito, no way out. That's why it matters to know the real deal about regrets.
Sa married life namin ni Mark, marami din kaming regrets. Sa first few years naming kasal, hindi kami marunong mag-navigate ng conflict. The result? Madami kaming nasabing hurtful words sa isa’t isa. Tapos, sa early years namin bilang mga parents, nahirapan din kaming i-manage yung anger namin lalo na sa pag-discipline sa mga kids.
The good news is, walang sayang kay Lord. Lahat ng mga challenges natin, nagagamit Nya for our growth. Ito ang nangyari kay Joseph: noong bata siya, ibinenta siya ng mga kapatid nya at sinabing patay na. Yun pala, napadpad siya sa Egypt, where after many years, God put him in a position of power that became a huge help not just to his family but to the whole nation.
Nasasabi sa Genesis 50:20, “Totoong nagplano kayo ng masama sa akin, pero plinano na ng Dios na magdulot iyon ng kabutihan na siyang nagligtas ng marami sa inyo… (sa taggutom).”
Ever felt like some things in your life were just wasted? Basahin mo din itong Salmo 139:16:
Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.
Paano kaya ito makakatulong sa iyo? Dito natin makikita that every part of our story is already written in God’s book.
Today, let’s practice agreeing with God. Let’s say this out loud, “Ang lahat ng nangyayari sa akin ay nakasulat na sa Aklat Ninyo bago pa man ito mangyari.”
Isa kang miracle!