How’s your experience serving others?
Isa siguro sa pinakamasarap na pakiramdam ang makatulong sa iba. Friend, when was the last time you did something to help someone? There are many ways we can make an impact on others. Pwede itong mangyari sa pakikinig sa kanila, sa pagtulong sa mga mahihirap, or even just in sharing experiences or lessons we’ve learned in life.
Alam mo ba na ang paglago ng relasyon natin sa Panginoon ay kasama ang pagtulong o pagbibigay ng serbisyo sa ibang tao? Let’s read these verses together:
Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin. (Mga Taga-Efeso 2:10 ASD)
Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang matatapat na katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Diyos. (1 Pedro 4:10 ASD)
Nakikita mo ba? Gusto Niya na gumawa tayo ng kabutihan at gamitin ang kaloob na ibinigay Niya para sa ikabubuti ng lahat.
Sa totoo lang, kapag nagsimula tayong tumulong sa iba, dito rin natin makikita ang ating mga kahinaan—dahil hindi lahat ng tinutulungan ay marunong mag-appreciate. We can be rejected, run into conflict with others, or even run into our own weaknesses. Pero pwedeng gamitin ni Lord ang lahat upang turuan ka kung ano ang dapat gawin. Through this, you can grow in your relationship with Him and with others.
In what ways are you able to serve others at this point in time? Kumuha ng papel at ballpen, and write down the ways you are currently using your talents to benefit other people. Kung wala pa sa panahong ito, that’s okay too—you can start by asking God and writing down ideas on how He can use your gifts to bless others.
Tandaan mo, isa kang miracle!