• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Okt 4, 2025

How much are you forgiven? 🤗

Publication date Okt 4, 2025

Uy, straight up, ang taas ng standards ni Lord minsan. Na-feel mo rin ba yung struggle? Na dapat ang ipapakita mo ‘yung best version of yourself. Kasi hindi ba, parang kapag Kristiyano ka, kailangang maging mabait, loving, humble, understanding, at marami pang iba.

Yes, ang hirap talagang gawin ‘to gamit ang sarili lang nating lakas. At sa totoo lang, hindi ibig sabihin na pababayaan na lang nating maabuso tayo ng iba. God wants us to grow in love and discernment, and in our series this week, “The Power of Love,” we will continue exploring the power of God’s love in our lives.

Today, let’s read this passage:

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. (Mga Taga-Colosas 3:12-13 ASD)

Bago ka madismaya sa hirap ng mga pinapagawa, ito siguro ang gusto naming malaman mo: na makakaya lang nating magparaya at magpatawad sa mga hinanakit sa isa’t isa dahil sa sinabing ito, “dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.”

This is the foundation that will enable you to extend the same grace and mercy to others: first receiving and experiencing the Lord’s grace and mercy toward you.

Kagaya nitong paglalarawan ni Jesus:

“May dalawang lalaking nanghiram sa isang taong nagpapautang. Ang isaʼy umutang sa kanya ng limandaan, at ang isa namaʼy limampu. Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang higit na magmamahal sa nagpautang?”

Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po, ang may mas malaking utang.” (Lucas 7:41-43 ASD)

Kaya isipin mo ngayon, lahat ng pinatawad sa’yo ng Panginoon — ito mismo ang magbibigay-lakas sa’yo para patawarin mo rin ang iba.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.