Homesick vibe, ? 🏠This will hug your soul.
OFW fam feels, relate ka ba? ‘Yung sabik na sabik kang makita at makasama sila. At kapag umuuwi sila, instant reunion agad. Solid ang family bonding! Gusto nilang ma-experience lahat nang namiss nila habang nasa ibang lugar o bansa pa sila — homecooked food, tambay sa fave spots, at syempre, quality time with the people they love the most. Kaya habang nandito sila, we make sure that every moment counts.
This paints a beautiful picture of what happens in our hearts when we miss home — the place where we truly belong — and that deep feeling of anticipation when someone we love is finally coming back. In our series this week, “Buhay na Walang Katapusan,” let’s look a bit more closely at how the same principle is at play in terms of our walk with God.
Basahin natin itong nakasulat sa BIble:
Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Hesu-Kristo. (Mga Taga-Filipos 3:20 ASD)
Just like our OFW families who still consider this place their true home, tayo rin—bilang mga tagasunod ni Jesus—maituturing natin na ang langit ang tunay nating bayan. Pero napansin mo ba ang kung anong sinabing kasunod nito? Hindi lang tayo basta nakatingin sa langit bilang tahanan — may hinihintay tayong dumating: si Jesus mismo. At tulad ng pagkasabik natin sa pag-uwi ng mahal sa buhay… ganun din ang pananabik natin na makita Siya.
At ano ang mangyayari pagdating Niya?
Sa pagdating niya, babaguhin niya ang mahihina at namamatay nating katawang lupa at gagawing tulad ng maluwalhati niyang katawan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang sumasakop sa lahat ng bagay. (Mga Taga-Filipos 3:21 ASD)
Wow. That really is something to look forward to, isn’t it? Babaguhin Niya ang lahat at bibigyan tayo ng maluwalhating katawan. Glory days are coming.
Tandaan mo, isa kang miracle!