hindi Siya manonood lang habang nasasaktan ka 😢

Kumusta ka ngayon, Friend? Sana okay ka lang. Pero kung may mga bagay na nagpapabigat sa puso mo ngayon, may sasabihin ako sa’yo. Alam mo bang malaya at pwede mo itong dalhin kay Jesus?
Today, let’s continue our series, “Ang Kabaitan ni Jesus.” Basahin mo ang kwentong ito: may isang biyuda na may nag-iisang anak na lalaki. Sa panahon ni Jesus, ang mga lalaki lang ang nagtatrabaho. Kaya noong namatay ang tatay sa pamilyang ito, ang anak na lalaki ang sumalo sa responsibilidad para sa pangangailangan ng pamilya. Ngunit namatay din ito. Naku, paano na ngayon ang biyudang ina?
Basahin natin ang sumunod na nangyari: nakasalubong ni Jesus ang prusisyon ng patay papunta sa libingan. Nang makita ng Panginoon ang biyuda, nahabag siya dito at sinabi, “Huwag kang umiyak.”
Nilapitan ni Hesus at hinawakan ang kinalalagyan ng patay at tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Hesus, “Binata, inuutusan kita, bumangon ka!” Umupo nga ang binata at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Hesus sa kanyang ina.
Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta!” at “Dumalaw ang Panginoon upang tayoʼy tulungan!” At kumalat sa buong Judea at sa lahat ng lugar sa palibot nito ang balita tungkol kay Hesus. (Lucas 7:14-17 ASND)
Can you imagine being in that widow’s shoes? Na akala niya’y wala na ang lahat, pero heto si Jesus na, dahil nahabag sa kanya, bigla Niyang binuhay ang kanyang namatay na anak. Napakabait ni Jesus. Hindi Niya ito ginawa dahil lang may humingi, kundi dahil naramdaman Niya ang damdamin ng ina, at hindi Niya kayang hindi kumilos.
Friend, let’s pray this together, “Lord, salamat at isa kang mahabagin na Panginoon. Nahihirapan ako ngayon sa _______, tulungan Mo ako. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

