Hindi Niya magawang itakwil ka!
Is there a difference for you when you work with someone on a purely transactional basis, vs working with someone you are friends with? Let’s be real, minsan yung mga nangyayari sa bahay sobrang bigat, at kahit ayaw mo, nadadala siya sa school or sa work. Tapos ang hirap pa, hindi naman lahat maiintindihan bakit hindi ka 100% present o bakit parang off ka lately. Mapapaisip ka na lang talaga ng, “Kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko ngayon…”
Minsan ba, naiisip mo rin ito kay Lord, na hindi Niya nakikita ang kahirapan mo? Pero here’s the good news: “Isa Siyang Personal God,” which is the title of our series this week. Let’s read this passage together:
Mga taga-Israel, hindi ko magagawana itakwil kayo o pabayaan na lang.Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusangaya ng ginawa ko sa mga lungsodng Adma at Zeboim.Hindi matatanggap ng aking kaloobanna gawin ko ito sa inyo.Awang-awa ako sa inyo. (Hoseas 11:8 ASD)
Nakikita mo ba? He is not a distant God. In fact, hindi Niya magagawang pabayaan lang ang Kanyang mga minamahal. Makikita natin ditong awang-awa Siya sa Kanyang sangkatauhan.
Kaya kung nagtatanong ka ngayon kung nakatingin si Lord sa mga nangyayari sa iyo, isa ito sa pwede mong balikang halimbawa. Hindi Siya malayo, kundi isa Siyang Panginoong nakakaramdam ng awa at hindi Niya magagawang pabayaan o itakwil ka.
Pwede mong dasalin ito, “Lord, minsan akala ko malayo Ka at walang pakialam sa mga nangyayari sa akin. Pero ipinapakita Mo sa Bible na isa kang maawaing Panginoon. Tulungan mo ako sa mga pinagdadaanan ko. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!