• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish

Hindi mo kailangang matakot sa kamatayan! 🫣

Friend, alam mo bang bilang tagasunod ni Jesus, hindi mo kailangang matakot sa kamatayan? Marami sa atin ang nabubuhay na laging takot. If you remember the year 2020, noong pandemic, kung saan karamihan sa atin ay takot na tayo o ang mga mahal natin sa buhay ay magkasakit ng Covid-19 at mamatay dahil dito. 

Pero may good news for those who belong to Christ. Basahin natin itong nakasulat sa Bibliya: 

Ngunit ang totoo, muling nabuhay si Cristo bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Dahil sa isang tao na si Adan, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao na si Cristo, muling mabubuhay ang mga patay. Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Cristo, tayong lahat ay muling mabubuhay. (1 Corinto 15:20-22 ASND

Nakikita mo ba, Friend? “Muling nabuhay si Kristo bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.” This means that Jesus being raised from the dead on the third day is the proof that He will raise the dead to life again someday. Kaya meron pala tayong tagumpay laban sa kamatayan: even if we will die in this age, there is coming a day when Jesus will raise us back to life again. 

Hindi ba good news ito? Because Jesus was resurrected from the dead, makakasiguro rin tayong bubuhayin Niyang muli. This means that sin and death no longer have power over us, but we are overcomers in Christ. 

Friend, sa mga panahong natatakot ka sa kamatayan, remind yourself of this truth: na nabuhay muli si Jesus bilang katibayan na tayo din ay mabubuhay muli, sa buhay na walang hanggan. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.