Hindi Ka Nag-iisa—May Nag-aalaga sa Iyo.🤗
Kapag may sakit tayo at may nag-aalaga sa atin, kahit paano gumagaan ang pakiramdam natin, ‘di ba? Sabi nga nila, bawal magkasakit kapag mag-isa ka lang. Ang hirap kaya kapag walang magbabantay at mag-aalaga sa’yo.
When I was going to school in another country, I got sick. Isang gabi, ang tindi ng sakit ng tiyan ko, at first time na walang magulang na mag-aalaga sa akin. Buti na lang may best friend ako doon—siya ang sumamang matulog sa kwarto ko, at nang hindi na namin alam kung ano ang gagawin, dinala na ako sa Emergency Room. Long story short, thankfully it wasn’t too serious. But I was so touched din na mayroong nag-alaga sa akin sa panahong iyon.
For this week’s series, “Siya ang Nag-aalaga sa Iyo,” let’s start by reading this passage from the Bible:
“Ako ang mabuting pastol, at ang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. Hindi ako katulad ng bayarang pastol, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan niya ang mga tupa kapag nakakita ng lobo na paparating. Kaya sinusunggaban ng lobo ang mga tupa at binubulabog. Ang taong iyoʼy nagtatrabaho lamang para sa pera at wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa mga tupa.” (Juan 10:11-13 ASD)
Nakikita mo ba? Ipinapakita Niya ang pagkakaiba ng pastol na bayaran at ng totoong pastol na nag-aalala sa Kanyang mga tupa. At Siya ang mabuting pastol na hindi lang buong-pusong nag-aalaga sa atin, kundi handa rin Siyang ialay ang Kanyang buhay para sa atin. Ganoon katindi ang pag-aalaga Niya! Can we thank Him for that?
Tandaan mo, isa kang miracle!