hindi ka nag-iisa — alamin kung bakit! 🤗

Friend, hindi ba’t may mga sandaling kahit napapalibutan ka ng maraming tao, ang pakiramdam mo’y nag-iisa ka? Walang nakakakita, walang nakakaramdam, ikaw lang ang mag-isang humaharap sa lahat.
Today, as we continue our series, “Ang Galing ni Jesus,” we want to share a verse that describes Jesus as the Alpha and the Omega.
Let’s pause a bit. Mukhang napakahirap namang intindihin ng Bible kapag gumagamit ito ng mga salitang banyaga. Totoo, naisulat ito sa ibang wika. Pero bakit mahalagang alam natin ito? Dahil may mga salitang hindi basta-basta maisalin sa Ingles o sa Filipino, kaya makakatulong kung alam natin ang ibig sabihin ng orihinal na wikang ginamit sa pagsulat nito.
Let’s read this aloud:
Ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.” (Pahayag 1:8 ASD)
Ano ba itong Alpha at Omega? Sa Greek alphabet pala, ang Alpha ang pinakaunang letra, at ang Omega naman ang pinakahuli. It’s like the letters A and Z in English. At ito ay naglalarawan ng pagiging una ni Jesus sa lahat, at higit sa lahat, ng katotohanang nandyan pa rin Siya hanggang sa huli.
At ano ang kinalaman nito sa buhay natin? Hindi ba’t nakakatulong malaman na hindi nahuhuli si Jesus sa kahit ano? Na kahit ano’ng nangyari sa buhay mo ilang taon na ang nakalipas —baka bago mo pa Siya nakilala —nandoon na Siya? At kahit ano pa’ng pagdadaanan mo sa hinaharap, naroroon pa rin Siya. Ang galing ni Jesus, di ba?
Friend, let’s pray this, “Lord, thank You that You are the beginning and the end. Walang nangyayari sa akin na hindi mo nakikita, at walang mangyayari sa aking hindi Ka handa. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

