Hindi Ka Left Out
Kumusta ba ang friendship life mo? May mga taong madaling makabuo ng maraming kaibigan, habang ang iba naman ay mas masaya sa maliit pero solid na circle. Siguro may mga kaibigan kang matagal nang kasama sa buhay mo, at mayroon ding mga dumaan lang sa isang season. Pero sa bawat friendship, may isang bagay na hinahanap nating lahat: ang maramdaman na kasama tayo, mahalaga tayo, at may lugar tayo.
May mga kaibigan kaming may mga anak na kaedad ng mga anak namin, at madalas silang bumisita sa bahay namin sa bundok. Habang masayang naglalaro ang mga bata, may mga pagkakataong umiiyak ang anak nilang babae, sinasabi niya na hindi siya isinasama ng mga lalaking kalaro niya.
I could really relate because I experienced this when I was young. Later on, I learned that some people are simply more sensitive to rejection than others. Malaking tulong ang malaman ito, kasi kapag kaya nating pangalanan ang nararamdaman natin, mas naiintindihan natin ito at mas natututo tayong i-manage ito.
Noon, hindi ko ito alam. The emotions felt so heavy, and I couldn’t make sense of what was happening inside me. Sometimes, the feeling of being rejected can seem so real, kahit hindi naman talaga iyon ang intensyon ng ibang tao.
Pero alam mo, God Himself does not reject us. Isa itong katotohanan na hindi kailanman nagbabago, at makakatulong ito para magkaroon tayo ng healthy self-image. Siya ang lumikha sa atin, at Siya rin ang nagbayad para sa ating mga kasalanan upang maibalik tayo sa Kanya. This shows just how much He values us. (John 3:16)
Let’s pray this: “Lord, thank You that You will never reject us, but will always welcome us with open arms.”
Tandaan mo, isa kang miracle!