Hindi Ka Broken
Kapag gumagawa ka ng isang project, normal lang na laging may kailangang ayusin. Lalo na kung may kulang o mali, gusto mo itong pagandahin hanggang maging maayos. Pero paano kung ganoon din ang tingin mo sa sarili mo?
It’s good to want to improve ourselves, but sometimes we don’t realize we’ve become overly critical and self-condemning.
I didn’t realize I had that kind of view—not just of myself, but also of the people I love. Isa ito sa mga naging sanhi ng mga away naming mag-asawa, dahil akala ko kailangan kong ayusin si Yen at ang mga anak namin. Buti na lang, natulungan ako ng Panginoon na makita ito at unti-unti itong nabago.
Bakit ba mahirap ito? I think it might be because of this: kung ang tingin natin sa sarili ay isang proyekto na kailangang ayusin o problemang dapat solusyunan, kapag nakita natin ang ating galit, takot, pride, o mga maling pagnanasa, madalas kinokondena natin ang ating sarili. Naiinis tayo sa ating sarili kung bakit lumalabas pa rin ang mga kahinaan na ito, instead of understanding ourselves better.
At sigurado akong, kapag nakikita rin natin ang mga ito sa mga mahal natin sa buhay, mas madali tayong mainis kaysa maging handang umunawa at tumulong.
Pero hindi ganyan si Jesus. Hindi Siya lumalapit bilang tagahanap ng mali sa atin, kundi bilang isang Tagapagligtas. Hindi Siya dumating para sirain ang tao kundi para iligtas at ibalik ang tao sa disenyo ng Diyos. (John 3:17)
Alam mo ba? Ang layunin ng Espiritu ay hindi wasakin ang iyong pagkatao kundi alisin ang lahat ng sumisira rito. Kaya ngayon, pakinggan natin ang Kanyang paanyaya: “Come closer. Let Me heal, restore, and transform you.” Pwede mo bang gawin ito?
Tandaan mo, isa kang miracle!