• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 9, 2025

Hinahangad mo ba ang kalooban ng Diyos? đź’–

Publication date Hul 9, 2025

Anong mga bagay ba sa buhay mo ang tingin mo ay may mga pagkukulang, na may mga nangyayaring alam mong hindi ayon sa kalooban ng Diyos? Halimbawa, may nagkakasakit, may mga nag-aaway na magkakapamilya o magkakaibigan o kaya may mga katiwaliang nangyayari sa trabaho.

Hindi pala malayo sa kaharian ng Diyos ang magkaroon tayo ng pakiramdam na may kulang na gusto nating ayusin. Tingnan natin ang nakasulat sa Bible:

Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad na tuparin ang kalooban ng Diyos, sapagkat silaĘĽy masisiyahan. (Mateo 5:6 ASND)

In English: “Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they shall be satisfied. (Matthew 5:6 ESV)”

Ang ganda pala ng larawan ng isang taong gutom na gutom at uhaw na uhaw na makita ang pagtupad ng Panginoon sa kanyang kalooban. At nang sabihin nitong masisiyahan ang mga taong naghahangad nito, inilarawan Niya ito na pagiging “satisfied” sa napakasarap na pagkain na syang naging sagot sa matinding gutom na iyon.

People often turn a blind eye to sin, as long as it benefits them. Halimbawa, ang mga tila simpleng pagnanakaw sa trabaho, or cheating in school. Ngunit iba ang Kaharian ng Diyos: labis nating hinahangad na makitang tuparin ng Panginoon ang kalooban Niya.

Bahagi ito ng dinarasal natin na Lord’s Prayer, (makikita ito sa Mateo 6:9-13 ASND) kung saan hinihingi nating mangyari sa lupa ang kalooban ng Diyos, gaya ng nasa langit. At kapag ganito ang ginawa natin, sinabi Niya na tayo ay masisiyahan. Ang galing, ano?

Kumuha ng notebook at ballpen, at isulat ang mga bahagi ng buhay mo kung saan nais mong tuparin ng Panginoon ang kalooban Niya. Then, say this aloud as a prayer. At kapag may sagot Siya, balitaan mo agad kami through email!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.