Hesitant to answer God’s call? 🤔 This will help.

May sasabihin ako sa’yo. Throughout our journey, there are moments na sobrang hirap gawin ang sinabi ni Lord, at minsan, hindi kami sigurado kung tama nga ba ang narinig namin mula sa Kanya. Ikaw ba, may pagkakataon bang hindi mabilis o madaling gawin ang pinapagawa ni Lord sa iyo?
In our series this week, “Mga Taong Sinalubong ni God,” basahin natin ang kwento ng isang taong si Ananias. Karugtong ito ng kwento ng pagsalubong ni God kay Saul (na naging si Paul). Nagpakita ang Panginoon kay Ananias, and gave him instructions to go to a certain house on a specific road, and to look for Saul of Tarsus. Pero basahin natin ang sagot ni Ananias:
Subalit sumagot si Ananias, “Panginoon, marami po akong nababalitaan tungkol sa taong iyon, na pinagmamalupitan niya ang inyong mga hinirang sa Jerusalem. Narito siya ngayon sa Damasco at binigyan siya ng kapangyarihan ng mga namamahalang pari na hulihin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.” (Mga Gawa 9:13-14)
Kung ikaw ang kumausap kay Ananias at nakakuha ka ng ganoong sagot, mawawalan ka ba ng gana? Pero ang Panginoon, hindi tumigil. He told Ananias to go anyway, at sinabing pinili niyang lingkod ang taong iyon, kaya ginawa ni Ananias ang ipinag-utos sa kanya.
Ang galing, diba? Kapag may taong piniling salubungin si Lord, He’s not discouraged when the person seems uncertain or doubtful. Gagawin pa rin Niya ang gusto Niyang gawin.
Ikaw ba, do you sometimes feel uncertain, or slow to do what the Lord asked you to do? Baka kailangan mo lang ng higit pang kalinawan. Alam mo ba na pwede mo itong hingin kay Lord? Gaya ng sagot Niya sa tanong ni Ananias, maaari rin Niyang ibigay ang sagot na kailangan mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!

