• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 18, 2025

He wants to treat you as His beloved child 👨‍👦

Publication date Hul 18, 2025

Friend, kapag humihingi ka ng paumanhin sa ibang tao, paano nila ito tinatanggap? May mga taong minsan ay nananatiling galit, hindi ba? But there are others who might receive the apology more graciously and respond with kindness and warmth. At ito ang nais nating makatagpo sa mga panahong tayo ay nagkasala! 

Today, as we continue our series, “Ang Kwento ng Naglayas na Anak,” naaalala mo ba ang iniisip ng anak na sabihin bilang paumanhin sa kanyang ama pag-uwi niya? Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang ama? 

Halika’t basahin natin ang nangyari matapos umuwi ang naglayas na anak:

“Sinabi ng anak sa kanyang ama, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’

“Ngunit tinawag pa rin ng ama ang mga utusan niya at sinabi, ‘Bilis! Dalhin nʼyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Lagyan ninyo ng singsing ang daliri niya at suotan ninyo ng sandalyas ang mga paa niya. (Lucas 15:21-22 ASND

Naku, Friend, inakala mo bang may amang ganito ang magiging reaksyon sa pag-uwi ng naglayas na anak? Na kahit ang paghingi niya ng paumanhin ay halos hindi na pinakinggan. Sa halip na siya ay pagalitan, agad siyang pinabihisan ng pinakamagandang damit, nilagyan ng singsing sa daliri, at sinuotan ng sandalyas. 

May ibang kahulugan pala ang mga ito sa panahon ni Jesus. In Jewish culture, the ring symbolizes a son’s authority in the home, and sandals are for the children, not for slaves. At iyon ang gustong ipaabot ng anak, na ituring na lang siya na parang alipin, ngunit hindi na nga niya nagawa pang sabihin: 

Kaya kung hindi ka pa rin bumabalik sa Ama sa langit, ito ang isipin mong paglalarawan: gusto ka Niyang yakapin bilang anak at hindi bilang alipin. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.