• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Abr 23, 2026

He Wants to Comfort You.🤗

Publication date Abr 23, 2026

“Nandito lang ako.” Minsan, ito ay sapat na para gumaan ang pakiramdam kapag ikaw ay nalulungkot o may dinadala. Lalo na kung may kaibigan kang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob sa mga panahong iyon. Sino ba ang karamay mo.

Noong nasa college ako at nagkaroon kami ng misunderstanding ng best friend ko. Some of my other friends comforted me by sharing this song about God entitled “Kaibigan Kita.” These are the lyrics that helped me:

Sa akin mo sabihin ang problema moAt magtiwala kang di ka mabibigoKasama mo AkoSa hirap at ginhawaAt magtiwala kang di ka magdurusa

As we continue our series this week, “Siya ang Nag-aalaga sa Iyo,” let’s look at the truth that He takes care of us by comforting us in our weaknesses and struggles. Basahin natin ang nakasulat sa Bible:

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap. Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob. (2 Mga Taga-Corinto 1:3-5 ASD

Nakikita mo ba? May ilang bagay dito that stands out to us: 

  1. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos 

  2. Siya ang laging nagpapalakas ng ating loob 

  3. Ginagawa Niya ito upang mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap 

Hindi ba't nakakaantig ng puso na isipin? Na isa Siyang maawaing Ama at Diyos na handang-handang palakasin tayo sa oras ng problema at kahirapan. Kaya we can pray this: “Thank You Lord, that You are the God who comforts us. Palakasin Mo ako, Lord, sa [ikwento ang paghihirap]. Amen.” 

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.